Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dennis Trillo at Sam Pinto, muling magniningning sa Wagas 3rd anniversary special


 

 

 

 

 

 

Saksi ang magagandang tanawin sa Bicol, pinakilig tayo ng tambalang DENNIS TRILLO at SAM PINTO sa pagdiriwang ng Ikatlong Taong Anibersayo ng WAGAS.  Pero marami ang nabitin sa kwento kaya ngayong darating na Sabado, abangan ang ikalawang yugto sa love story ng isang Turista at Probinsyana.

Tila kwento ng Alamat ng Daragang Magayon ang naging love story nina Rome (DENNIS TRILLO) at Maycee (SAM PINTO).  Parang perpekto na raw ang mga eksena pero habang lumalalim ang kanilang pag-iibigan ay  hindi maiiwasang maungkat ang mga lihim ng nakaraan.  Tulad ng maaanghang na putahe sa Bicol ang mga lihim na ito ay tila yayanig at susubok sa inaasam-asam na tamis ng pag-ibig na wagas.
Paano muling mabubuo ang wagas na pag-iibigan kung mabunyag ang inililihim na sikreto? Paano mo tatanggapin ang katotohanang hindi pala perpekto ang inakalang mong matamis na kwento?

 

 

 

 

Tampok sina Dennis Trillo at Sam Pinto abangan ang  Part 2 ng Bicol  Third Anniversary Special ngayong Sabado --- February 27, 2016  7PM sa   WAGAS on GMANEWSTV!