Mga kuwento ng walang kapantay na pag-ibig, tunghayan sa ‘Wagas’

May papantay pa nga ba sa pagmamahal ng mga taong handang tanggapin ang ‘di pangkaraniwang kaanyuan ng iba? Mapapatunayan ito sa dalawang kuwento ng wagas na pag-ibig ngayong Sabado.

Bilang sina Editha at Aurelio Dadores, tampok sina Sunshine Dizon at Biboy Ramirez sa “Mukha ng Pag-Ibig.”
_2019_01_25_17_37_26.jpg)
Ang ikalawang kuwento naman ay iikot sa buhay ng magkapatid na Jhanny at Thony na ipinanganak na magkadikit o ‘yung binansagang “Kambal Tuko.”
Natuto na silang mabuhay na magkasama sa lahat ng bagay--maging sa pag-ibig! Nang nililigawan ni Jhanny ang bago nilang kapitbahay na si Rissa, laging kasama si Thony sa tuwing magdi-date ang dalawa.
Tutol ang magulang ni Rissa sa pakikipagmabutihan niya kay Jhanny na may hindi pangkaraniwang kakambal. Pero ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan. Nagtanan ang dalawa, at siyempre kasama na rin si Thony. Hindi naging madali ang buhay para sa kanilang tatlo. Makakaapekto kaya ito sa pagsasama nina Jhanny at Rissa?
Isang challenging role ito para kina Sef Cadayona at Jak Roberto na gumanap bilang Jhanny at Thony. Makakasama rin sa kuwentong “Kambal Tuko” si Sheena Halili bilang si Rissa.
Mapapanood ang WAGAS tuwing Sabodo, 7PM sa GMA News TV.