ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pangarap Tour Goes to Davao: "The Big Burden of Gildo"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on December 11, 2010 Saturday after Startalk! "MALA-HIGANTENG ARI NI GILDO, MALAKING PERWISYO….SA WISH KO LANG!" Sa pagpapatuloy ng 8th anniversary special ng “Wish Ko Lang!", ang “Pangarap Tour" ay dumayo ng Davao.
Photobucket
Nagmula kasi rito ang pinaka- malaki at pinaka- matinding storya na nailapit sa aming programa nitong taon. Ito ang kuwento ni Gildo Enriquez.
Photobucket
Isang binata na may sakit na Psoriasis, dahilan para ang balat sa buong katawan ay tila magsugat at mamula.
Photobucket
Pero hindi lang 'yan ang suliranin ni Gildo, dahil ang talagang nagpapabigat sa kanya ay ang sakit na Filariasis, na siya namang dahilan kung bakit naging sinlaki ng dalawang pakwan ang kanyang scrotum o bayag.
Photobucket
Tunghayan kung paano nagsimula ang kalbaryo ni Gildo at kung may pag-asa pa bang matuldukan ang kanyang pagdurusa…
Photobucket
Abangan din ang pagsasabuhay ni Joseph Bitangcol sa kanyang kuwento at ang gaganap naman bilang ina ni Gildo, ay ang batikang aktres na si Miss Jacklyn Jose.
Photobucket
Lahat ng yan, sa ikatlong bahagi ng Pangarap Tour ng Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.