ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Kids Without Christmas and Myra Manibog's Wish!"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on December 18, 2010 Saturday after Misteryo (new timeslot)
ANG MGA BATANG WALANG PASKO AT ANG MADAMDAMING PANAWAGAN NI MYRA MANIBOG… SA WISH KO LANG!
Photobucket
Lumiham sa Wish Ko Lang! si Mark Pabilaran na isang guro sa Pudog Elementary School. Ang kanyang mga tinuturuan ay mga batang kabilang ng tribo Higaonon na nakatira sa bundok ng Lanao del Norte.
Photobucket
Laking gulat niya sa mga bata rito, hindi kasi nila kilala si Santa Claus. Tila ang konsepto ng Pasko ay parang isang ordinaryong araw lang sa kanila. Kaya humiling ang guro na maranasan sana ng Tribo Higaonon ang tunay na diwa ng pasko.
Photobucket
Habang ang dating artista na si Myra Manibog, sa mga pelikulang paseksihan nakilala noong dekada otsenta. Tinalikuran niya ang showbiz, para matutukan ang pagpapalaki sa mga anak. Nakilala rin ni Myra ang Panginoon at yun ang nagsibing gabay niya sa kanyang pagbabago.
Photobucket
Pero muling sinubukan ng tadhana ang katatagan ni Myra, siya kasi ay may cyst sa atay at obaryo at kailangang sumailalim sa maselang operasyon. Dahil sa laki ng gastos, ang pag-aaral ng mga anak ay nakumprimiso at napilitang huminto.
Photobucket
Abangan kung paano ipagdiriwang ngayon ng Tribo Higaonon ang pasko at kung may happy ending ba sa kuwento ng buhay ni Myra at ng kanyang mga anak? Tunghayan sa Wish Ko Lang! Kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Misteryo sa GMA-7.