ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Former Stuntman Danny Riel and Onge, 'Ang Batang Konduktor!'"
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on January 15, 2011 Saturday after Misteryo ANG ARTISTANG SI DANNY RIEL, NASIRAAN NA RAW NG BAIT? AT BATANG BINGOT NA KUNDOKTORâ¦SA WISH KO LANG! 
Taong 2009 nang maipalabas sa Wish Ko Lang! ang kuwento ng artistang si Danny Riel. At sinapit niya ang ikinakatakot ng isang aktor na mangyari, ang mawalan nang kinang. Suki siya dati sa mga pelikula ni FPJ, pero ngayon tila nakalimutan na siya ng industriyang kanyang minahal. 
Natagpuan namin siya sa Malabon at katulong ang asawa sa paggawa ng mga sipit. Binigyan siya ng munting parangal ng programa upang muling mabuhayan ng pag-asa. 
Ikinalulungkot naming mabalitaan, na tila sumuko na siya sa laban at tinakasan na raw ng katinuan. Sa katunayan, nakikita raw siya sa kalsada na naglalakad ng huboât hubad at wala sa ayos ang mga sinasambit na salita. Ano na ang nangyari sa dating artista? Habang sa Montalban Rizal, madalas makikita si Onge na kasama ang kanyang amang namamasada ng jeep. Dalawang taon pa lang daw siya noon ay laman na siya ng kalsada kaya sa pagkukundoktor ay bihasa na. 
Nabansagang âOnge" dahil siya ay bingot o ngongo, pero sa kabila nito, nangingibabaw ang kasipagan sa kanya. 
Maliban kasi sa pagkukundoktor, kahit pagmemenkaniko ay uma-alalay na si Onge sa kanyang tatay. Hiling lang ng bata na mabigyan uli siya ng laruang remote control na kotse, yung niregalo raw kasi ng kanyang ama ay ninakaw sa jeep. 
Abangan kung muling sisilip ang pag-asa kay Danny Riel at masusuklian kaya ang pagiging masipag ni Onge? Lahat ng yan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Misteryo sa GMA-7.






More Videos
Most Popular