ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Operation: Tuli sa Mindanao and Helen's Search for her Mother


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on April 30, 2011 Saturday after Misteryo!
OPERATION: TULI SA MINDANAO AT ANG MISYON NI HELEN, NA MAHANAP ANG KANYANG INA … SA WISH KO LANG!
Kristina returns to her tribal roots to lead a medical mission for indigenous people in Mindanao. But their Operation: Circumcision is hampered by by lack of equipment and medicines. Will her mission push through? Photobucket Tradisyong Pinoy tuwing tag- araw na dumaan sa “rite of passage" ang mga batang lalaki. O sa madaling salita, magpatuli. Kaya ngayong summer, medical mission ng grupo nina Kristina na magkaloob ng libreng tuli sa mga katutubo ng Mindanao. Pero kung kulang sila sa mga gamot at kagamitan, magawa kayang magmatapang at magpaka- lalaki ng mga “totoy" nilang pasyente? Meanwhile, Helen has not seen her mother after her parents separated. Her father is a rebel-supporter who got killed in an encounter. Now, Helen wants to complete what's left of her family. Photobucket Ang krusada naman ni Helen ay hindi naiiba sa sitwasyon ng napakaraming anak na produkto ng broken home. Bata pa lang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang .Sa kanyang ama siya lumaki na kabilang pala sa “masa", isang kilusan na sumusuporta sa mga rebelde. Kaya namundok silang mag-ama para magtago. Matagal nang namatay sa engkuwentro ang ama ni Helen at matapos ang 25 taon--- napag- isip isip ni Helen na kahit ulila na siya sa tatay, di na siya dapat mangulila pa sa kanyang ina. Tunghayan kung matutuloy o mauudlot ang pag-bibinata ng mga taga-Mindanao? At makikita pa ba ni Helen ang matagal na niyang hinahanap na magulang? Abangan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Misteryo sa GMA-7.