ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang pangungulila ng isang anak sa kanyang ama sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG ANG PANGUNGULILA NI JANESSA AT SI BEA BINENE, MAY FAN NA SOSORPRESAHIN Airing date: Jan. 21, 2012 May mas masahol pa bang kawalan para sa isang bata higit sa pagkawala ng magulang? Pumanaw na ang ina ni Janessa tatlong taon na ang nakalilipas. At kahit buhay pa ang kanyang ama, di na niya ito nakagisnan dahil matagal nang nakakulong ang kanyang tatay. Hanggang kailan magtititiis at mamumuhay si Janessa bilang isang ulila?   Kung ang Kapuso Tween Star na si Bea Binene, matagal nang lumalabas at nagpe-perform sa harap ng kamera… Ang tagahanga niyang si Mae, matagal nang nangangapitbahay para lang mapanuod siya dahil wala silang kuryente sa bahay. Subalit di lang kahirapan ang kalbaryo ng dalagita. May sakit kasi siya sa puso, at ang mas nakalulungkot pa, pahirapan din ang pagtustos sa buwanang ineksiyon niya. Wish ni Mae na makita sana ang idol na si Bea sa personal, dahil tiyak pati puso niya ay mapapangiti ng artista.   Kung sa palagay ninyo’y marami kayong pinagdaraanan at iniinda, tunghayan ninyo ang kuwento ni Janessa at Mae, at tiyak na magbabago ang inyong pananaw sa buhay. Abangan sa WISH KO LANG!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
Tags: wishkolang, plug,