ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Huling hiling ng dalagang may cancer sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG ANG HULING HILING NI APRIL Airing date: March 24, 2012
 
Bata pa si April nang maghiwalay ang mga magulang niya. Lumaki siya sa piling ng ina at ang ama nama’y lumayo na. Lumipas ang maraming taon at naging kuntento at simple ang buhay ng mag-ina. Pero pagsapit ni April ng disinuwebe anyos, muling nanumbalik ang pananabik na makita niya ang kanyang tatay. Ang dalaga kasi ay nakikipag-laban sa kanser sa obaryo at nalalapit na raw ang araw na siya’y susuko na sa kanyang karamdaman. Hiling ni April na bago sana siya bawian ng hininga ay maramdaman niyang maging buo muli ang pagkatao niya kahit saglit lang sa kanyang buhay.
 
Habang ang mag-asawang Ogie at Regine, masaya raw dahil tagumpay ang konsiyerto nilang “Mr. and Mrs. A” noong nakaraang buwan. Inabangan ito ng marami dahil ito ang pagbabalik ng Asia’s Songbird at muling tambalan din nila ng Songwriter sa entablado. Higit sa lahat, maganda rin ang layunin ng concert, ilan kasi sa kikitain nito ay para sa mga batang patuloy na nakikipag-laban sa kanser.
 
Aabot pa kaya ang tatay ni April, gayong naghihingalo na raw ang dalaga? Tunghayan din ang pagtupad nina Mr and Mrs A sa kanilang pangako sa mga batang may sakit.  Abangan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagktapos ng Startalk sa GMA-7.
Tags: plug