ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kambal na magka-dikit ang ulo sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG Airing Date: August 4, 2012, 6:45 PM Ang Kambal na Magka-dikit ang Ulo Sa Palawan, makikilala sina Chara at Charina, ang kambal na magkadikit o conjoined twins. Pero pambihira raw ang sitwasyon ng magkapatid, dahil sa ulo sila magkadugtong at ang tawag sa kondisyon nila: craniopagus. Isa lang sa 2.5 milyong sanggol na ipinapanganak kada araw ang posibleng magka-ganito. Kaya pala-isipan sa kanilang mga magulang kung bakit ang mga anak pa nila ang sumapit nito. Hindi rin nila maunawaan kung paano mapapabuti ang kalagayan nina Chara at Charina dahil alam nila na maraming pagsubok ang kakambal ng mga bata hanggang sa kanilang paglaki.

Huling Hiling ni John Anthony
Nag-umpisa lang daw sa pagkirot sa tagiliran, hanggang sa sumuka na rin ng dugo. Ito ang mga dahilan kaya sinugod ang sampung taong gulang na si John Anthony sa isang ospital sa Quezon City. Napag-alaman na siya ay may aplastic anemia. Malayong-malayo raw sa mga katangiang noon na masayahin, masigla at aktibo, dahil ngayon, hindi na raw nakakapag-salita at paralisado na ang ilang bahagi ng katawan. Isang buwan na rin siya nasa ospital at hindi bumubuti ang kanyang kalagayan. Ngunit bago raw umurong kanyang dila, humiling siya na sana ay makita ang kanyang lola, kapatid at ilang kaklase na nasa Pangasinan. Sundan ang Wish Ko Lang sa Twitter at Facebook!
Tags: plug, conjoinedtwins
More Videos
Most Popular