ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Wish Ko Lang,' maghahanap ng good samaritan sa Boracay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Muli na namang maghahanap ang Wish Ko Lang! ng Mabuting Samaritano. At sa pagkakataong ito, sa Boracay isasagawa ang misyon. Mga turista ay wiling wili dayuhin ito, ngunit paano kung ang bisitang magawi rito ay nangangailan at nanghihingi ng saklolo? Pag-aksayahan kaya siya ng panahon ng mga taong ang pakay doon ay magpakasya at mag-enjoy? Kaka-awaan kaya ang sugatang banyaga ng mismong mga taga-isla kung wala naman silang mapapala sa kanya?
 
At ngayong summer, panahon din ng mga graduation, isang okasyon na mahalaga para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Pero sa Guisi Elementary School sa Altavas, Aklan, dalawampu’t limang taon na raw dinadaos ang kanilang pagtatapos na may kulang, wala ang tradisyonal na puting toga. Ito ang nag-udyok kay teacher Vivian na mag-wish na mabago na ang nakagisnan nilang tagpo sa eskuwela.
 
May mahanap kaya na Good Samaritan sa isla ng Boracay? At abangan ang graduation gift para sa batch 2013 ng Guisi Elementary School! Tunghayan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado, 4:45 p.m., pagkatapos ng ALISTO sa GMA-7.
 
 
 
 
Tags: plug