ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang sorpresa ni Richard Gutierrez sa kanyang fan, tampok sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dalawampu’t tatlong taong gulang na si Zarah ngunit tila bata pa rin kumilos at mag-isip dahil sa kanyang espesyal na kondisyon. Pero sa kanyang natatanging mundo, may nagpapangiti sa kanya at ito ay ang kapuso hunk na si Richard Gutierrez. Mga litrato ng idolo ay kinokolekta at mga palabas ay sinusubaybayan. Aktibo rin si Zarah sa pagtutok sa mga fan page ni Richard dahil nagbabakasakali na maka-usap dito ang paboritong artista.
Habang si Nollie, pakiramdam niya raw ay malas siya sa magulang. Ang kanyang ama ay namatay noong siya’y ipinagbubuntis pa lang, habang ang ina na inaasahan niya na makakapiling at mag-aalaga sa kanya ay inabandona siya noong siya’y sanggol pa lamang. Lumaki siya sa piling ng kanyang lola at sa paglipas ng dalawang dekada, patuloy ang paghapdi ng sugat ng kanyang pagiging ulila. Hindi niya mawari kung bakit kailangan siyang iwanan kaya ang galit ay naghari sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, may konting puwang pa rin sa puso ni Nollie na gusto at nanabik na makita ang kanyang lumisang magulang.
Matupad kaya ang wish ni Zarah na makaharap ang idolong si Richard Gutierrez? At nasaan na nga ba ang ina ni Nollie, tuluyan na kaya siyang kinalimutan nito? Tunghayan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado, 4:45 p.m., pagkatapos ng Alisto sa GMA-7.
Matupad kaya ang wish ni Zarah na makaharap ang idolong si Richard Gutierrez? At nasaan na nga ba ang ina ni Nollie, tuluyan na kaya siyang kinalimutan nito? Tunghayan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado, 4:45 p.m., pagkatapos ng Alisto sa GMA-7.
More Videos
Most Popular