ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang natatanging hiling ni Nanay Leonida sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa Antique, makikilala ang limampu’t limang taong gulang na si Mang Blas. Siya ay bulag ngunit siya rin ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya. Karamay lang ang tungkod ng kawayan, humahakot siya ng buhangin at graba sa tabing-dagat. Isasako niya ito at binubuhat para ibenta sa halagang pitong piso kada sako. Kailangan niya raw tiisin ang kalbaryong ito dahil tanging sa kanya lang umaasa ang otsenta’y sais anyos na ina at ate na hikain.
Dekada otsenta raw ng umalis ang magkapatid na Jocelyn at Marcos sa Butuan para hanapin ang suwerte sa Maynila. Mula noon, hindi na raw sila nakabalik pa. Gustuhin man nilang makadalaw, dahilan nila’y may mga sarili na silang pamilya at hindi rin daw biro ang halaga ng pamasahe. Ngunit nang magkasakit ng malubha ang kanilang ina na si Aling Leonida, silang dalawa ang bukambibig na gustong makita. Dahil sa hirap ng buhay, wala pa ring magawa ang magkapatid upang mapagbigyan ang ina. Ang ipapasahe raw nila, mas mainam kung ipapadala na lang upang itulong sa pagpapagamot.
Anong sorpesa ang naghihintay sa masipag na si Mang Blas?... At hindi kaya magsisi ang magkapatid na Jocelyn at Marcos dahil sa hindi matugunan ang pangungulila ng kanilang inang maysakit? Tunghayan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado, 4:45 PM, pagkatapos ng Alisto sa GMA-7.
Tags: plug
More Videos
Most Popular