ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Riches to rags, ang kuwento ni Mang Vic sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Isang mahusay na negosyante raw si Boss Vic, kaya hindi nakapagtataka na siya ay umasenso sa buhay. Ngunit kasabay ng ginhawa, napabayaan niya ang kanyang pamilya kaya nauwi sa hiwalayan. Mas tumindi pa ang sitwasyon nang siya ay ma-stroke at mabaldado. Nasimot ang mga ari-arian ni Boss Vic dahil sa kanyang karamdaman. Ang tanging karamay niya ngayon ay ang anak sa labas na si Pepoy. Di raw kayang makita ni Pepoy ang ama na nahihirapan.  Katunayan, handa niyang ihinto ang pag-aaral at ibigay ang pangmatrikula para sa pagpapagamot ni Boss Vic.

Habang sa Camarines Sur, may magkakapatid daw na tila unti-unting nalulumpo. Dating masisigla at may kanya-kanyang trabaho sina Joelma, Joeker, Joely at Joedo. Pero nang sila’y mag-trenta anyos, nag-umpisa manghihina at bumagsak ang kanilang mga katawan dahilan para di sila makapag-hanapbuhay.  Ang 73 anyos na ina nilang si Lola Norma ang tanging nag-aasikaso at umaalalay sa kanila.

Isa na namang hapon na puno ng inspirasyon at aral ang matutunghayan kasama si Vicky Morales. Tutok na sa Wish Ko Lang!, Sabado, 4:45 PM, pagkatapos ng Alisto sa GMA 7.
Tags: plug