ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Isang kakaibang wedding proposal, magaganap sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Isang kakaibang wish ang ipinarating ni Paulynn, nais niya raw ipaalam sa buong mundo ang kanyang pagmamahal sa kanyang nobyong si Jing. At ito ay sa pamamagitan ng pag-“propose” sa kanyang boyfriend. Tiyak marami raw ang magtataka sa gagawin niyang ito, dahil limang buwan pa lang silang magkasintahan. Si Jing naman, milagro raw na humihinga pa ngayon dahil nataningan na noon dahil sa kanyang kondisyong Tourette syndrome. Kaya may kakambal ng sakripisyo ang kung sinumang magiging bahagi ng buhay niya. Handa na ba silang humakbang sa bagong yugto ng kanilang relasyon?

Noong 2011, naipalabas ang kuwento ng isang inmate sa munti. Sa kanyang pagkakapiit, binabayaran niya ang mga kasalanan ng kanyang nakaraan. At tila dagdag daw sa parusa kay John, ay malayo sa kanyang anak. Kung may sala siya sa lipunan, mas matindi raw ang nagawang pagkukulang sa anak. Nang dahil sa Wish Ko Lang!, muling nagkita sila ng anak at ang mga puwang sa kanilang mga puso ay napunan na. Nitong nakaraang Abril, lumaya na si John at kamustahin natin siya sa patuloy niyang pagtahak sa daan ng pagbabago.

Sa Leyte, makikilala ang pamilya Dianito. Ang mag-asawang Danilo at Nora ay kapwa bulag. Ang kanilang dose anyos na anak na si Danilyn, buti na lang at hindi namana ang kanilang kapansanan, pero medyo mabagal umunawa at may pagka-isip bata raw ang kanilang unica hija. Gayunpaman, siya ang nagsisilbing gabay at mata ng kanyang mga magulang sa ilang gawain. Marami ang naaawa sa sitwasyon ng maganak, paano raw kaya sisilip ang pag-asa sa kanilang buhay?

Abangan ang mga nakaka-antig na kuwentong ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
Tags: plug