ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paalam, Sammy sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nitong nakaraang Marso, naipalabas sa aming programa ang kuwento ng dating komedyante na si Sammy Lagmay. Natunghayan dito ang kanyang makulay na karera at ang pakikipaglaban sa malubhang karamdaman. Nagtipon din ang mga dating kasamahan sa industriya para palakasin ang loob niya. Ngunit kamakailan lang, tila sumuko na si Sammy, ayaw na raw kumain at magpagamot, kaya nabahala na ang kanyang pamilya. Naging saksi ang Wish Ko Lang sa huling bahagi na ito ng kanyang pakikipaglaban sa sakit, hanggang sa nitong hapon lang ay tuluyan na siyang binawian ng buhay. Nakikiramay ang aming programa sa lahat ng naulila ni Sammy. At bilang pagpupugay sa dating komedyante, samahan kaming sariwain ang kanyang kuwento.

Ang security guard na ama ni Twinkle ay may laging kinikuwento na madalas daw makita ang Kapuso actress na si Marian Rivera. At mula noon, nag-umpisa na rin ang paghanga ng bata sa artista. Ngunit hindi naman puro Marian ang inaatupag ni Twinkle dahil ebidensiya ang mga nakukuha niyang marka sa eskuwela, katunayan, 1 honor siya noong nasa grade 1 at grade 2. Kaya naman tuwang tuwa ang kanyang ama at nag-wish na sorpresahin ang bata para masuklian ang pagpupursige sa pag-aaral, ang hiling niya para kay Twinkle ay makita sa personal at makilala si Marian.

Nitong nakaraang linggo, kumalat sa Facebook ang litrato ng isang matandang lalaking nagtitinda ng balut sa Novaliches, Quezon City. Ipinost ito ng isa sa kanyang mga suki dahil sa labis na awa na naramdaman para sa matanda na ang kakarampot na kita ay hinoldap pa ng ilang kabataan. Ang lalaking nasa larawan ay si Lolo Meling, 76-anyos. Sa kabila ng edad at mahinang pangangatawan, naghahanapbuhay siya para mairaos ang kanyang araw-araw na pangagailangan. Ang tanging hiling daw niya, makauwi sa Leyte at makapiling ang mga anak. Gusto raw kasi niyang maramdaman na hindi siya nag-iisa sa huling yugto ng kanyang buhay.

Abangan ang mga nakaka-antig na kuwentong ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.

Tags: plug