ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang paghahanap ni Balong ng Good Samaritan sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Taong 2007, naipalabas ang kuwento ni Balong, isang binatang putol ang dalawang paa. Ngunit sa kabila ng kanyang kakulangan, siya’y hari ng laot, lumalangoy at sumisisid para manghuli ng isda. Ito ang paraan niya para makatulong sa ama na mangingisda. Pinagkalooban siya ng Wish Ko Lang! ng isang scholarship sa kolehiyo. 
 
Nang amin siyang kumustahin, nakatapos na si Balong at ngayon ay naghahanapbuhay na bilang isang encoder. Isa rin siyang inspirasyon sa kagaya niyang may kapansanan, sa katunayan siya ay presidente ng isang grupo ng mga People With Disability sa kanilang lugar sa Pangasinan.
 
Nais din ni Balong na magsilbing instrumento para mabigyan din ng pagkakataon ang kanyang kapwa para makamit din nila ang inaasam na pag-asa. Kaya nakibahagi siya sa isang misyon, sasabak siya sa isang sitwasyon na susubok sa mga tao sa paligid niya. Magpapanggap siyang bilang anak na may tutuparing pangako sa namayapang magulang. Kailangan niyang umakyat sa napakataas na lugar upang maituloy ang panata at madala ang abo ng kanyang ina doon. 
 
Iiral kaya ang bayanihan? May aalalay kaya sa kanya? Abangan si Balong sa kanyang paghahanap ng Good Samaritan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, sa July 27, Sabado, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
Tags: plug