ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang pangarap na peluka ng mga batang may cancer sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Sa panibagong eksperimento ng Wish Ko Lang!, isang hamon ang magaganap, kaya mo bang isakripisyo na ipagupit ang mahaba mong buhok? Handa ka bang isugal ang kagandahan para maki-bahagi sa isang pakay, at ito ay ang matulungan ang mga batang may kanser. Ang mapapagupit na buhok kasi ay maaaring gawing peluka o wig para ibigay sa kanilang nangangailangan ng mala-koronang hibla.

Nitong nakaraang Mayo, naipalabas ang kuwento ni Baby Axel at ang kanyang pambihirang kondisyon na congenital central hypoventilation syndrome kung saan hindi siya kusang humihinga. Mula ng siya ay isilang, hindi pa siya nakaka-alis ng ospital dahil wala siyang sariling aparatu na tutulong sa kanyang paghinga. Ngunit pagkalipas ng ilang buwan, may maganda raw na balita, si Baby Axel ay maaari ng umuwi. May sumagot na raw ng kanyang gastos sa ospital at may naghandog din sa kanya ng pinapangarap nilang ventilator.

Abangan ang mga nakaka-antig na kuwentong ito sa Wish Ko Lang kasama si Vicky Morales, Sabado, August 3, 4:15 PM pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.

Tags: plug