ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang pagdalaw at pagtulong kay 'Lola Sako', tampok sa 'Wish Ko Lang!'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG!
Date of Airing: February 1
Time of Airing: 4:45 PM, GMA-7
Date of Airing: February 1
Time of Airing: 4:45 PM, GMA-7

WWYD (Idol) "Gulong"
Halaw mula sa kuwento ng isang binatilyong pinahihirapan ng sakit na cerebral palsy, muling babalik sa lansangan ang grupo ng Wish Ko Lang! upang hanapin ang mga may mabubuting kalooban. Isang lalaki ang taglay ang nasaabing sakit na makikitang pinapaandar sa kalye mag-isa ang kanyang wheelchair na tulak-tulak ng sariling mga paa.
Pero kung hamon na para sa binata ang makapunta sa iba't ibang lugar, papaano pa kaya kung lulan na nga siya ng wheelchair at kailangan pa niyang sumakay ng LRT para makarating sa pupuntahang pagamutan?
Makasalubong kaya ang binatilyo ng mga mabubuting kalooban na mag-aalok sa kaniya ng tulong na buhatin siya paakyat ng LRT, isakay sa loob ng tren at diretsong maihatid sa pagamutan kung saan siya papunta?

"Lola Hit and Run"
Hulyo ng nakaraang taon nang maaksidente ang 70 taong gulang na matandang babae habang namamalengke sa bayan ng Orani, Bataan. Pero imbes na hintuan ang pobreng matanda ng naka-aksidente sa kaniya, nagawa pa siya nitong takasan.
Halos mabalda ang lola sa pagkadurong ng mga buto nito sa kaliwang hita. Dahil mag-isa lamang sa buhay at walang pag-aaruga na nakukuha sa mga anak, mag-isang pinagdudusahan ng matanda ang kaniyang paghihirap. Mula sa pangongokleta ng talbos na makakain hanggang sa pag-igib ng tubig na maiinom, mag-isang ginagawa ito ng 70 taong gulang na matanda habang iniinda ang bali sa kaniyang hita.
At dahil na rin sa walang kakayahan na magpagamot ang lola, binabalot na lamang niya ito ng sako na nagsisilbing proteksiyon ng kanyang binti sa pagkakabunggo sa ibang mga gamit sa loob ng bahay.
Abangan ang mga nakaaantig na kuwentong ito ngayong Sabado sa Wish Ko Lang!, 4:45 PM sa GMA-7.
More Videos
Most Popular