ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Taxi Experiment' at iba pang mga kuwento, tampok sa 'Wish Ko Lang!'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG!
Date of Airing: February 22, 2014
Time of Airing: 4:45 PM, GMA-7
Sa isasagawang social experiment ng Wish Ko Lang!, susubukan ang katapatan ng ilang tsuper. May mga kakutsaba kaming magpapanggap na pasahero, kunwari’y sila ay nagmamadali at abala kaya aksidenteng maiiwan ang ilang mahahalagang gamit gaya ng dokumento, pera at telepono. Pag-interesan kaya ang mga ito o isosoli?
Habang ang labingwalong taong gulang na si Den-Den, lampas isang dekada na raw na hindi nakaka-kilos at nakahiga na lang sa kama. Siya kasi ay may neurodegenerative disorder, kaya pati sukat din daw ng utak ay mas maliit sa pangkaraniwan. Ayon pa sa doktor, may taning daw ang buhay ng may ganitong kondisyon. Isa rin daw sa tila kalbaryo ay sa tuwing pakakainin ang binata, dahil pinapadaan na ito sa tubo sa kanyang tagiliran kaya kailangang durog na durog ang pagkain. Hiling sana ng kanyang ina ay maayos na food processor.
Marami sa biktima ng Yolanda ay pilit na bumabangon at kinakalimutan ang bangungot na hatid ng super bagyo. Kabilang na rito ang pamilya ni Jonelyn na taga Tacloban, kasalukuyang silang nakikitira sa mga kamag-ana sa Maynila. Siya rin ngayon ay transferee at 4th year high school na. Aminado rin ang dalaga na mahirap maging dayo sa nilipatang eskuwelahan, hindi kasi siya makasabay sa mga kaklase tulad ng makibahagi sa JS prom. Wala raw pambayad kaya hanggang nood lang daw lang siya sa ensayo at palalampasin na lang ang isa sa masayang kabanata sana ng kanyang high school life.
Abangan ang mga kuwentong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 4:45pm, sa GMA-7.

More Videos
Most Popular