ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang lata ni Buddy at mga kuwento ng pagsubok, tampok sa 'Wish Ko Lang!'


WISH KO LANG!
DATE OF AIRING: MARCH 22, 2014
TIME OF AIRING: 4:45 PM
GMA-7


Kadalasan goiter agad ang hinala nating iniinda ng taong may bukol sa leeg.   Pero si Lola Feutila sa lalawigan ng Quezon, hindi lang sa leeg kundi pati noo niya ay nakapagtatakang lumaki rin.  Ang pagsubok na ito ay mabilis ang paglala at nangyari sa isang taon lamang.  Alam ng kanyang pamilya na hindi sapat ang paghihilot nila tuwing dumadaing ng kirot si Lola.  Hindi rin nila plano ipa-opera siya dahil sa edad na 66 ay baka maging mitsa pa ito ng buhay niya.  Ang nais lang nila ay muli sanang maibalik ang ngiti sa kanilang pinakamamahal na Lola Feutila na lagi na raw malungkot at matamlya nang dahil sa sinapit na karamdaman.

Habang si Buddy, paniwala niya na noong magka-beke at sore eyes noong bata pa, ito rin ang nagdulot sa pagtubo ng mga bukol sa kanyang mukha.  Sa paglipas ng mga taon, patuloy din ang paglaki ng mga ito at ngayong tatlumpu't apat na taong gulang na isya, nasapawan na ng mga bukol ang kanyang mga mata kaya hirap na siyang makakita.  Ayon sa mga eksperto, arterio venous malformation ang tawag sa pambihirang kondisyon na ito, kung saan namamaga ang mga ugat sa mukha ng isang tao.  Marami ang naiilang at nandidiri kapag siya ay nakikita, marahil dahlan din ito kaya hirap siya makahanap ng trabaho.  Ang naisip na paraan ni Buddy para kumita at mabuhay ang pamilya, nagkalat siya ng mga latang alkansiya sa iba't ibang lugar para kumatok ng tullng na limos sa mga tao.

Noong nakaraang taon, naipalabas sa Wish Ko Lang! ang isang ampunan sa Malolos, Bulacan.  May nakapanuod na mag-asawa sa Caloocan at sinasabing anak daw nila ang isa sa napakitang mga bata.  Anim na taon na raw nawawala si James.  Lahat ay ginawa na nila para mahanap siya, namigay na sila ng flyers, nanawagan sa radyo at TV.  Pero bigo pa rin ang mag-asawang Crispin at Amabelle.  Hanggang sa nabuhayan sila ng loob at naramdaman daw nila ang lukso ng dugo nang mapanood nila sa isang episode ng Wish Ko Lang!  ang isang batang kahawig ng kanilang anak.

Tunghayan ang mga nakaaantig na kuwentong ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, 4:45 PM, Sabado sa GMa-7.