ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Pinoy Hospitality" Experiment tampok sa 'Wish Ko Lang!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG!
Date of Airing: April 12, 2014
Time of Airing: 4:45 PM
GMA-7




Sa gagawing eksperimento ng Wish Ko Lang!, susubukan kung madudungisan ang ating world famous Pinoy hospitality. Ang kakutsabang turista, kunwari’y namamasyal at naliligaw, hanggang sa may makakasalubong na Pinoy at siya ang napiling mapagtanungan ng direksiyon. Pero dahil alam na dayuhan, ginawang paraan niya ito para pagkakitaan. Ituturo sa banyaga ang daan pero may kapalit na pera. Kung sakaling makasaksi ng ganitong tagpo, hahayaan na lang ba ang pananamantala na ginagawa ng iyong kababayan?

Habang si Daniel Capili, dati raw make-up artist sa mga tv commercial. Kaliwa’t kanan daw ang mga proyekto noon kaya naging masagana ang buhay niya. Katunayan, isang negosyong restobar pa ang naging bunga ng husay niya sa pagkolorete. Ngunit nagsimula ang kamalasan niya ng masaksak habang habang nasa shooting sa Batangas. Mula noon, nagsimula na ang kamalasan sa buhay niya at hindi na rin nakabalik sa trabahong pinakamamahal niya.

Sa Sta. Maria, Bulacan, ang binatang si Mark Christian Malinis ay kasalukuyang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ama noong nakaraang linggo. Sila na lang kasi ang magkaramay sa buhay dahil namatay na rin ang kanyang ina isang taon na nakalipas. Sino na ang tutulong sa kanya sa pagbuo ng kanyang mga pangarap? Noong buhay pa nga ang mga magulang, pahirapan na mairaos ang kanyang pag-aaral, paano na ngayon at may isang taon pa siyang bubunuin sa kolehiyo.

Abangan ang mga kuwentong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky
Morales, Sabado, 4:45 PM, sa GMA-7.