ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Jukebox Queens' Imelda at Eva sasabak sa video experiment sa 'Wish Ko Lang!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG!
Date of Airing: May 3, 2014
Time of Airing: 4:45 PM, GMA-7




Kung gagawa siguro ng survey sa paboritong libangan ng mga Pinoy, tiyak pasok na sa listahan ang mag-videoke. Tuwing piyesta, reunion, gimik ng barkada at kahit nga sa palengke, may bumibida sa biritan. Paano kaya kung gawing inspirasyon ito sa isang eksperimento? Dagdagan pa ng kakaibang sangkap dahil makikibahagi pa ang Jukebox Queens na sina Imelda Papin at Eva Eugenio. Ano kaya ang magiging papel nila sa ilalatag na misyon para makahanap ng bagong Wish Ko Lang Idol!


Habang ang tambalang Tom Rodriguez at Carla Abellana, minsang gumawa ng ingay dahil sa kakaiba at kontrobersiyal na tema ng kanilang teleserye. Mas lalong napansin din dito ang kanilang husay sa pag-arte kaya mas dumami ang kanilang mga tagahangga. Gaya ni Genel, aminadong kinikilig siya kay Tom. Kapag napapanuod at tinititigan ang litrato ng artista, parang gumagaan daw ang araw at naghahatid ito ng good vibes sa kanya. Si Nanay Erlinda naman, loyalista raw siya ni Miss Abellana, dahil kahit noon pa ay paborito na raw niya si Carla. Ito lang daw ang kanyang libangan at pang-alis pagod sa kabila ng patong-patong na obligasyon bilang ina at lola sa kanyang pamilya. Iisa lang wish nilang dalawa, na sana ay makita sa personal at makilala ang mga paboritong artista.


 

Sa Pasig, makikilala ang trese anyos na si Inday. Balang araw, hindi na raw siya makakita. Dulot ito ng kondisyon mula pa noong bata pa kaya patuloy ang paglabo ng kanyang paningin. Gayupaman, ang iniisip na lang ni Inday ay kung paano mapaghahandaan ang napipintong pagkabulag. Sa katunayan, kahit hindi na halos makakita, naglalako siya ng daing. Ang kanyang kita, iniipon, pang matrikula raw niya sana sa paaralan para sa may mga kapansanan.
 

Tunghayan ang mga kuwentong ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, 4:45 pm, Sabado sa GMA-7.