ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Nasaan ang Biriterang si Eva?' 'Breadwinner si Bunso' at 'Pictorial Scandal Experiment' sa Wish Ko Lang!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


“Nasaan na ang Biriterang si Eva?”?


Nabansagan si Eva Castillo bilang “babaeng nakatalo kay Regine Velasquez." Ito ay noong mga panahong bagito at sumasali pa ang Asia’s Songbird sa amateur singing contests. Pero kahit hawak ni Eva ang titulong ito, hindi siya pinalad nang gaya ni Regine -- hindi siya sumikat bilang singer at artista.

Makalipas ang maraming taon, nang magbalik-tanaw si Regine sa kaniyang nakaraan, muling lumitaw si Eva. Mula noon, nabigyan din siya sa wakas ng break. Napadalas na ang labas niya sa programang SOP at nagkaroon ng regular performance sa comedy bar ni Allan K. Pero 'di rin nagtagal ay muling naglaho si Eva sa mata ng publiko.

Kamakailan lang, muling pinagbubulungan ang pangalang Eva Castillo ng mga nakasama niya sa industriya. Siya raw kasi ay may malubhang karamdaman na at nangangailangan ng tulong. At ang Asia's Songbird ang nanguna sa pagdinig sa hiling ni Eva.


"Breadwinner si Bunso"

Sa Cavite, matatagpuan daw ang masipag na bata na si Josephine, labing isang taong gulang lang pero siya na ang bumubuhay sa kaniyang pamilya. Ulila na siya sa ina na namatay nitong taon lamang. Mula nang pumanaw ang magulang, ang panganay na kapatid naman niya ay lumayas na. Habang ang ama naman niya na may kapansanan sa paningin kaya nakatoka na lang sa pag-aalaga sa isa pang kapatid ni Josephine na may cerebral palsy.

Tuwing umaga, naka-abang na raw ang bata sa fishport para manghingi ng isda at tsaka niya ito ilalako. Ginagawa niya raw ang sakripisyong ito dahil sa pagmamahal sa kaniyang pamilya.


“Pictorial Scandal”


Habang nagaganap ang isang pictorial ng isang celebrity sa isang pampublikong lugar, may isang tagahanga na hindi makapaniwala at natsambahan na makita ang paboritong artista sa personal. Hanggang sa pelikula at telebisyon niya lang daw nasisilayan ang idolo kaya pagkakataon na raw para ito’y lapitan. Sa sobrang kasabikan at tuwa, hindi na naisip ng fan na baka abala ang artista. Paano pa kaya kung masundan pa ito ng iba’t-ibang aberya na uubos sa pasensiya ng artista? Sa kaniyang inis, papatulan na ang tagahanga, na siya namang tatawag pansin sa nakararami.

Ang tagpong ito ay isa lamang social experiment na nilatag ng Wish Ko Lang!, pero ano kaya ang gagawin ng mga makakasaksi nito, kuhanan sa cellphone ang galit na artista at i-upload sa social media? O pumagitna at resolbahin ang problema?

Abangan ang lahat ng iyan sa Wish Ko Lang! Sabado, 3:30 PM, sa GMA-7!