ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'INAko ni Lilia' tampok sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
"INAko ni Lilia"
Wish Ko Lang
Sabado, 13 December 2014
3:15 PM sa GMA-7

Hindi raw kailangan manggaling sa sinapupunan ang isang bata para maituring na siya ay anak, dahil hangga’t may puwang sa puso ang kanyang nanay-nanayan, higit pa sa pusod ang mag-uugnay sa kanila.
Wish Ko Lang
Sabado, 13 December 2014
3:15 PM sa GMA-7

Hindi raw kailangan manggaling sa sinapupunan ang isang bata para maituring na siya ay anak, dahil hangga’t may puwang sa puso ang kanyang nanay-nanayan, higit pa sa pusod ang mag-uugnay sa kanila.
Isang ginang na nag-alaga at nagpalaki sa mga batang hindi niya kaano-ano, ito ang naging inspirasyon para sa isa sa pamaskong handog na kuwento ng 'Wish Ko Lang' Drama Specials.
Buong buhay ni Lilia, wala siyang pinangrap kung 'di ang maging ganap na ina. Pero hindi pa rin mabiyayaan silang mag-asawa ng anak. Hanggang sa kakaibang pagkakataon na ang kumatok kay Lilia, iniwan sa kaniya ang mga anak ng kaniyang katrabaho. Sa isang iglap, ipinasa sa kaniya ang responsibilidad na maging ina. Noong una’y naawa lang si Lilia kaya pinagbigyan ang paki-usap pero sa paglipas ng panahon, natutunan na niyang mahalin ang mga bata. Sakripisyo at pagtitiis ng isang magulang ay kaniyang inakap.
Sa ginugol na panahon at pagmamahal ni Lilia sa mga bata, mababalewala na lang ng basta basta, dahil babawiin din pala sila sa kanya ng tunay nilang magulang. May magagawa ba si Lilia na mas naging ina pa sa mga bata kaysa sa tunay nilang nanay?
Tunghayan ang mga nakaka-antig na eksenang ito na isasabuhay nina Sharmaine Arnaiz, Allan Paule at Jillian Ward.
Abangan sa 'Wish Ko Lang' drama specials, 3:15pm, Sabado sa GMA-7.
Abangan sa 'Wish Ko Lang' drama specials, 3:15pm, Sabado sa GMA-7.
More Videos
Most Popular