ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kuwento ng pakikipaglaban sa gahiganteng mga problema, tampok sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wish Ko Lang!
April 18, 2015
Sadya ngang walang pinipili ang mga pagsubok sa buhay. Sino ka man---mayaman o mahirap, malaki o maliit, tiyak na makakasalubong ka ng mga dagok. Ang kaibahan lang nga daw, may ilan na mahihina at agad na sumusuko. Pero hindi si Zenaida. Sa kabila ng kanyang sukat na halos apat na talampakan lang, gahigante ang mga problemang kanyang kinaharap.
Si Zenaida, may kondisyong dwarfism o unano. Itinakwil ng pamilya, ginahasa ng amo, namatayan ng anak---lahat yata ng kamalasan nasapo na niya. Sa kabila ng mga ito, sa sukat na apat na talampakan, hindi nagpadaig si Zenaida sa mga gahiganteng problema.
Alamin ang buong kuwento sa Wish Ko Lang na bibigyang buhay nina Allan Paule, Jade Lopez at Marilyn Apolinar. Samahan si Vicky Morales sa pagpapatupad ng mga pangarap ng mga karapatdapat, ngayong Sabado, April 18 pagkatapos ng Karelasyon sa GMA.
Tags: plug
More Videos
Most Popular