ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Misteryosong paglilibing ng isang ginang sa kaniyang asawa, tampok sa 'Wish Ko Lang'

Wish Ko Lang!
April 25, 2015
“Libing”
Gamit ang kanyang mga kamay, pilit na hinuhukay ni Tess ang lupa sa ilalim ng kanyang papag. Nasa tabi niya ang sako na ang laman---ang bangkay ng asawang si Pido!
Nagsama si Pido at Tess sa kabila ng payak nilang kabuhayan. Pa-extra-extra na construction worker si Pido, habang si Tess, walang trabaho. Nagkaroon sila ng anak at mayroon itong cerebral palsy. Dahil sa hindi mapagkasya ng mag-asawa ang pera sa gamot at therapy ng anak, nalulon sa alak si Pido. Gusto daw niyang makalimot sa mga problema. Nagbago naman ito nang mabuntis ulit si Tess. Pero huli na ang lahat, dahil bilang na pala ang kanyang araw.
Alamin kung bakit naghuhukay sa loob ng bahay si Tess? Ano ang kinalamanan niya sa pagkamatay ni Pido?
Tunghayan ang buong kuwentong ito at abangan ang pagganap nina Sheryl Cruz, Rommel Padilla, Kenneth Paul Cruz at Barbara Miguel sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 p.m., pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
Tags: plug
More Videos
Most Popular