Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kahanga-hangang kuwento ng isang dakilang ina, tampok sa 'Wish Ko Lang'




Wish Ko Lang!
June 20, 2015
"L U B I D"
 
May kasabihan daw na mahirap ang nakikisama. Hindi makakilos ng maayos at sukat ang bawat galaw dahil pakiramdam mo ay pabigat ka sa tinutuluyan mo. Ganito raw ang nangyari kay Corazon na nakikitira sa kanyang kapatid dahil ang mister niya ay nakadestino sa probinsiya. Dahil wala raw inaambag, perwisyo na raw siya at pati mga anak niya sa tahanang iyon.
 
Kaya nang mabigyan ng pagkakataon para sumunod sa asawa, agad silang umalis mag-iina at nagtungo sa pier para sumakay na ng barko. Pero sa kasamaang palad, naiwan sila sa biyahe. Dahil sa hiya, mas piniling magtiis ni Nanay Cora sa pier na lang magpalipas ng ilang araw kaysa sa bumalik sa bahay ng kuya niya. 
 
Pero habang inaantay sa pagbalik ng barko, may naka-abang na peligro sa paligid nila. Uso pala ang nakawan ng bata sa lugar na iyon. Sa takot ni Corazon, itinali niya ang mga bata sa kanya upang ‘di mawala sa paningin niya. Isa lang ito sa ginawa niya para hindi mawala at mapahamak ang kanyang mga anak. At para sa makakakita nito, aakalain na tinakasan siya ng katinuan o maaaring ma-akusahan siya ng pang-aabuso sa mga bata.    
 
Abangan ang pagganap ni Angel Aquino bilang Corazon at kung paano niya nalampasan ang napipintong kapahamakan sa kanyang mga anak, matutunghayan yan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 p.m., pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.