ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kakaibang May-December romance, tampok sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
_2015_08_18_22_24_59.jpg)
Wish Ko Lang!
"Walang Agwat Ang Pag-Ibig"
Aug 22, 2015
Sukdulan na raw ang pananakit kay Leonora ng kanyang asawang si Darwin. Hindi niya mawari na ang ama ng kanyang mga anak at ang lalaking kasumpaan niya noon na magmamahalan hanggang sa huli, ang siya ring magdudulot ng mga pasa at luha niya. Nang hindi na niya kinaya, tinuldokan na ni Leonora ang relasyon sa kanyang mister at sinumpa sa sarili na hindi na siyang iibig muli.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, muling tumibok ang kanyang puso, kaso marami ang tiyak kokontra, dahil ang taong nagpapakilig sa kanya na si Jonathan, halos kasing bata lang daw ng anak niya, malaki ang agwat ng kanilang edad! Ano kaya ang paiiralin ni Leonora, ang dinidikta ng isip o ang tinutulak ng dibdib? Pagbibigyan na ba ang sarili para lumigaya o habambuhay matatakot na baka mauwi lang uli lang sa sakitan at hiwalayan?
Tunghayan ang buong kuwento ng pag-ibig ni Leonora at isasabuhay yan nina Mystika, Kiko Estrada at Maey Bautista sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 pm, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
More Videos
Most Popular