ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-ibig na hindi napigilan ng kapansanan, tampok sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wish Ko Lang!
Sept 12, 2015

“Aninag Ng Puso”

Tanggap ni Alona na mahirap makahanap ng taong magkakagusto sa kagaya niyang may kapansanan. Nang dahil kasi sa isang aksidente noong bata pa, permanente na siyang nakuba. Pero kung papipiliin, nais niya ring madama ang kiligin, ang magmahal, ang maging ganap na asawa’t ina. Ngunit paano mangyayari ito kung wala ngang nanliligaw sa kaniya. Kaya laging laman ng dalangin niya, wala namang masama kung bigyan sana ng kahati ang kanyang puso.

At tila dininig ang mga dasal ni Alona ng makilala si Rey. Pero nang magkita na, kapwa pala sila may kapansanan, si Rey pala ay bulag! Pinagtagpo nga ba sila ng tadhana dahil hawig ang kanilang sitwasyon at mas madali silang magkakasundo? Kung sakali naman na sila ay magkatuluyan at magkapamilya, matutulad ba ang kanilang kapalaran sa mga magiging anak nila?

Ngunit mas nanaig ang itinutulak ng kanilang mga puso kaya kahit di matanaw ang aninag ng pag-asa, pinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan.

Tunghayan sina Kris Bernal, Ping Medina, Coleen Perez at Tina Paner para isabuhay ang mga pagsubok sa pag-iibigan nina Rey at Alona sa Wish Ko Lang! , kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 pm, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.