ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Babaeng naging alipin ng sariling kapalaran, tampok sa 'Wish Mo Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
_2015_09_16_18_28_30.jpg)
Wish Ko Lang!
Sept 19, 2015
“Alipin Ng Kapalaran”
Tila walang nangyayaring tama para raw kay Mylene, dahil noong bata pa lang, inagaw na ang kamusmusan niya ng mismong ama na humahalay sa kanya. Sa paulit-ulit na paggalaw sa kanya, maaga rin siyang nabuntis. Nang isilang ang kanyang anak, naging hangarin na niya ang mabigyan siya ng magandang buhay kaya sinunggab niya ang pagkakataon na makapagtrabaho sa siyudad.
Pero muling mapagsasamantalahan na naman ang kainosentihan ni Mylene, ang hanapbuhay na nag-hihintay pala sa kanya ay sa casa.
Dito, siya’y naabuso at ginamit, kaya tuluyan ng nabago ang pananaw niya sa buhay, na siya ay itinadhana para hindi na maka-alis sa ganitong sitwasyon…Ang maging babaeng bayaran.
Paano mababago ang kapalaran ni Mylene? Ang mga babaeng biktima na kagaya niya, wala na bang karapatan na makadanas ng maayos at marangal na buhay?
Tunghayan sina Krystal Reyes, Mike Tan, Rexcy Evert at Petite para isabuhay ang mga pagsubok sa buhay ni Mylene sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 pm, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
Tags: wishkolang, pr
More Videos
Most Popular