ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Batang may butterfly disease, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Wish Ko Lang!                                                                                                                   

“PARU PARO”

Naging mapusok daw si Aira kaya maaga raw siya nabuntis. Mas lalong bumigat ang sitwasyon nang iwan siya ng kanyang kasintahan kaya sosolohin niya ang responsibilidad na maging magulang sa magiging anak nila.

Ngunit hindi lang pala ito ang hamon na kakaharapin niya, nang isilang ang bata, kapansin pansin ang mga sugat nito. Nang ipasuri, napag-alaman na siya ay may pambihirang kondisyon sa kutis na kung tawagin ayEpidermolysis bullosa o kilala rin bilang butterfly disease dahil kasing selan ng pakpak ng mga paruparo ang balat dahil madali itong masugatan.

Kaya mas tutok na pag-aalaga at sangkatutak na pasensiya ang kailangang ilaan ni Aira sa bata para hindi lumala ang mga sugat nito. Hanggang kailan kaya kayang panindigan ni Aira ang maging mabuting magulang sa anak niya? Paano niya mapapatunayan na masarap ang maging ina?

Tunghayan ang pagganap nina Tanya Gomez, Glenda Garcia, Bryan Benedict  at si Kris Bernal bilang Aira sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

Tags: wishkolang, pr