Pangarap at hangarin ng isang guro, ibabahagi ng 'Wish Ko Lang'

Wish Ko Lang!
“Teacher Norman”
Laki sa hirap si Norman, pero dahil sa pagsisikap, nabago ang kanyang kapalaran. Habang namamasukan noon ay masuwerteng nasabay niya rin ang pag-aaral. Nang makatapos, ang maging guro ang napili niyang propesyon. Nais kasi niyang mabigyan ng pag-asa ang mga kabataan na kagaya niya raw noon sa kanilang lugar sa Quinawan, Bataan.
Pero hindi naging madali ang kanyang muling pagbalik dito, may nagduda sa kanyang pangarap para sa mga bata at mayroon ding nagbigay ng ibang kulay sa kanyang pakikitungo sa mga estudyante. Mga pagsubok na kaakibat sa magandang hangarin niya para sa kinabukasan ng bagong henerasyon ng kanilang isla.
Tunghayan ang pagganap nina Zoren Legaspi, Tina Paner, Lui Manansala at Migs Cuaderno para isabuhay ang mga tagpo sa buhay ni Teacher Norman sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.