ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dalagang nakararanas ng pagmamalupit, tutulungan ng 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Si Lita ay inampon ng kumadronang nagpa-anak sa kanya. Iniwan daw kasi siya ng tunay niyang magulang kaya si Lola Felita na hindi niya kadugo ang nagpalaki sa kanya.

Isa pang hamon kay Lita ay ang kanyang kapansanan, bulag siya mula ng isilang. Kaya ang anak ni Lola Felita na si Mauro, ang turing niya sa inampong bata ay magiging pabigat lang sa kanila.

Pero sa paglaki ni Lita, siya ay nagsikap at nag-aral magmasahe at ang kinikita niya mula rito ay itinutulong sa pamilyang kumupkop sa kanya. Ngunit sa kabila nito, lagi pa rin siyang pinagmamalupitan ni Mauro. Nariyan ang pagalitan at saktan siya. Humantong pa nga na itali si Lita sa puno na maraming langgam at minsan, itinirik siyang patiwarik.

Tunghayan ang pagganap nina Empress Schuck, Michael Flores at Dexter Doria para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

Tags: plug, pr, wishkolang