Lolo na kasama ang apo sa pamamasada, bida sa 'Wish Ko Lang'

Mula sa Ozamiz City, kumalat sa social media ang mga litrato ng isang matandang tricycle driver na habang namamasada ay may nakasabit na duyan sa harap niya at kapag sisilipin, makikita na may bata na nakahiga rito. Siya si Lolo Jesus at ang bata pala ay ang apo niyang si Angelito.
May mga pumuri at sumita rin sa mga nasabing litrato, hanga kasi ang karamihan sa pag-aaruga ng matanda sa kanyang apo, habang ang ilan, nangamba at nagtaka bakit kailangang isama pa sa byahe ang bata, baka raw kasi madisgrasya pa.
Ayon kay Lolo Jesus, hindi niya rin naman ginusto na maging ganito ang sitwasyon nila, umalis na raw kasi ang anak niya na ina ni Angelito at walang ibang aako ng responsibilidad na maging magulang ng bata. Minsan na rin niyang nasubukan na iwan ang apo sa kaanak pero aksidenteng napilayan ito kaya nagpasya siya na hindi na mawawalay sa kanya ang bata at siya na lang ang mag-aalaga sa kanya.
Tunghayan ang pagganap nina Al Tantay at Lauren Young para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.