ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pagsusumikap ng isang nanay na barker, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nang mabyuda si Bobot, siya na ang humalili sa kanyang pumanaw na mister bilang tagatawag ng pasahero o barker sa terminalng jeep sa Caloocan. Kailangan niya kasing buhayin ang tatlong anak nila kaya dapat daw magtrabaho agad.
Pero hindi pala magiging madali ang kanyang hanapbuhay, may nai-inggit pala sa kanya na kapwa barker na si Tupeng. Lagi raw siyang pinag-iinitan dahil kahit bagong salta ay mas malakas kasi siyang kumita. Isang araw, habang sa pila ng jeep, itinulak ni Tupeng si Bobot kaya siya ay nasugatan at napilayan.
Ngunit hindi lang pala sa trabaho ang pagsubok ni Bobot, dahil pag-uwi niya, kapatid naman niya ang kaalitan niya. Pilit siyang pinapa-alis dahil may plano na ibenta ang kanilang bahay. Humantong pa nga na tinapon na ang gamit nilang mag-iina sa labas. Kaya mula noon, nakitira na lang siya sa bodega ng kapitbahay. Ngunit ang bago nilang kanlungan, hindi raw ligtas sa mga nagmamasid na masasamang nilalang.
Tunghayan ang pagganap nina Lotlot de Leon, Rodjun Cruz, Arra San Agustin at Lovely Rivero para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.
More Videos
Most Popular