Buhay ng isang asset, mapapanood sa ‘Wish Ko Lang’
Wish Ko Lang!
October 21, 2017
ASSET

Binubuhay raw ni Clyde ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagiging “asset’ para sa awtoridad. Katulong siya ng mga pulis para mahuli ang mga kriminal. Kontra ang misis na si Teresa sa trabahong ito, dahil lagi raw siyang kinakabahan at baka mapahamamak ang asawa niya sa entrapment operations. Pero panatag naman si Clyde na ligtas siya dahil nangako naman daw ang amo niyang pulis na mananatiling sikreto raw ang ginagawa niya at hindi siya mabubunyag.
Pero isang araw, nagtaka at nangamba si Teresa nang hindi umuwi si Clyde. Hanggang sa nakabalita siya na may isang lalaking pinatay na biktima umano ng carnapping! Dito na siya kinutuban at nang kanyang kumpirmahin, si Clyde nga ang bangkay. Hinala ni Teresa, may kinalaman ang pagkamatay ng mister sa hanapbuhay nito.
Mula noon, binalot na ng takot ang pamilya na baka balikan pa sila ng mga nakabangga ni Clyde kaya inilayo ni Teresa ang mga bata sa probinsya at siya naman ang nagtrabaho sa Maynila dahil kailangan niyang kumayod para sa kanila. Namasukan siya sa isang kainan pero agad naman nagsara ito mula noon, kung ano ano na ang sinabak niyang trabaho.
Tunghayan sina Marc Abaya, Barbara Miguel, Caprice Cayetano at Yayo Aguila para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.