ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagbabalik ng nakulong na anak, tampok sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Matagal nakulong si Ferdy at habang nakapiit, malaki ang hinanakit niya sa kanyang mga magulang dahil wala raw silang ginawang paraan para mapagaan ang sintensiya niya. Kaya nang makalaya na, dala pa rin ni Ferdy ang tampo sa kanyang pamilya. Balik din siya sa mga dating gawi at sa tuwing sabog siya, gulo ang tiyak na kasunod nito. Ang kanyang pinag-iinitan, ang matatandang mga magulang na ang isa ay may kapansanan pa. Damay rin ang kapatid niyang pipi’t bingi na binubuntal niya rin at minsang naitali pa niya sa puno. Humantong din sa hinabol ng itak ni Ferdy ang kanyang mga magulang dahil inakala niyang sila ang kumuha ng nawawalang pera niya.

Tunghayan si Marco Gumabao bilang Ferdy, kasama rin sina Devon Seron, Luz Fernandez at Lou Veloso para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.