ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kuwento ng pagpapakatatag ng isang ina, tampok sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wish Ko Lang!
July 28, 2018
"Nang Lumipad ang Pag-iisip"

 


Nang mabyuda si Nanay Ason, lalo niyang nadama ang hirap maging magulang. Dalawang anak pa kasi ang mag-isa niyang bubuhayin at ang isa pa rito ay may kapansanan sa pag-iisip.

Hindi raw ganito noon ang kanyang panganay na babae na si Arjie, nakatungtong pa nga raw siya ng kolehiyo ngunit nabigla na lang sila na isang araw ay tinakasan siya ng katinuan. Gayunpaman, maaasahan naman ang bunsong anak niyang si Jun-Jun, siya kasi ang nagbabantay at nag-aasikaso sa kanyang ate habang naglalako ng kakanin ang kanilang ina.

Pero muling susubukan ang katatagan ni Nanay Ason, basta na lang raw nasiraan din ng bait ang anak na lalaki, hinala niya ay dulot ito ng depresyon dahil sa sitwasyon nilang mag-iina. Ang mabigat pa rito ay nagpakamatay ang binata.

Sunod-sunod na unos ito para kay Nanay Ason, humantong pa na sarili niyang kalusugan ay napabayaan na. Dahil sa sobrang pagod, inatake siya at na-stroke. Higit na naapektuhan ang kanyang pagkilos, kaya paano pa kaya siya makakapaghanapbuhay at magiging ina para sa anak na may sakit na tanging umaasa sa kanya?

Tunghayan sina Lotlot De Leon, Ashley Ortega at Yasser Marta para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Tags: plug, pr