ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Janice Jurado's wish
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on February 9, 2008 Saturday, 4:30 p.m. Sunud-sunod ang unos na dumating sa buhay ng dating sexy comedienne na si Janice Jurado. Tumamlay ang karera, nalango sa ipinagbabawal na gamot, pumasok sa nightclub upang kumita. Pero ngayoây unti-unti nang nasasaayos ang kanyang kalagayan. Tinulungan siya ng mga kaibigang artista na pumasok sa isang rehabilitation center, at ngayoây namamasukan si Janice bilang receptionist sa isang parlor. Pinagkakasiya niya ang kitang P250 kada araw para mabuhay. Ibang-iba na sa dati niyang karangyaan. Ang malungkot na kuwento ng dating masayahing artista ⦠abangan ngayong Sabado sa Wish Ko Lang. Dahil nakatutuwa ang mga sorpresang naghihintay kay Janice! Tampok din ang patuloy na pagdadalamhati ni Alice Peregrina ng Cavite, ang ina ni Lester na nasawi sa Glorietta tragedy. Ayon sa pamilya, umaaliwalas lang ang mukha ni Nanay Alice kapag nakikita niya si Mark Herras sa telebisyon. Malaki kasi ang pagkakahawig ni Lester sa binatang artista. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Aling Alice kung si Mark mismo ang makakaharap niya? Ang mga madamdaming tagpo, ngayong Sabado sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, 4:30 ng hapon sa GMA-7.
Tags: janicejurado, wishkolang
More Videos
Most Popular