ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Comedians fulfill serious wishes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on March 15, 2008 Saturday, 4:30 p.m. This Saturday on Wish Ko Lang!, comedians Jose Manalo, Wally Bayola and Teri Onor temporarily shed off their funny antics to help fulfill some serious wishes. Eat Bulaga’s hilarious duo Jose and Wally will try to comfort their fan, Michelle Miranda. Michelle was all smiles when she she became a contestant for the popular noontime show, while still pregnant with her baby. Her smiles, however, faded soon after she gave birth to a child with a severe physical condition. Would Jose and Wally be able to bring back some smile on Michelle’s face? Meanwhile, stand up comedian turned public servant Teri Onor enlists the help of Wish Ko Lang! for his long suffering friend, Nelson Layug. Every Lenten Season sees Nelson carrying the cross around his hometown. It is a cross symbolic of the burden Nelson carries for his family, who look up to him as their provider since their father passed away. Will Teri – made popular by his impersonation of Nora Aunor – be able to work up a “miracle" for his friend? Watch out for another heartwarming afternoon with Wish Ko Lang! this Saturday, 4.30 pm on GMA 7.
Sino nga ba ang hindi matatawa sa ng mga magagaling na komedyante ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo, Wally Bayola at si Teri Onor? Lahat sila may kaniya-kaniyang istilong nang pangingiliti sa manonood. Pero ngayong Sabado sa Wish Ko Lang! tila tigil-tawanan muna para sa tatlo dahil sa dalawang seryosong kahilingan. Ipinagbubuntis pa lamang ni Michelle Miranda ang bunsong si Venisse nang napasali ito sa game show ng Eat Bulaga noong nakaraang taon. Pero nang ipanganak na si Venisse, taglay nito ang isang di pangkaraniwang sakit - nakaluwa ang utak ng bata at tanging balat lang ang bumabalot dito. Sa pagdalaw nina Jose at Wally kay Venisse mapangiti kaya nilang muli ang nag-aalalang si Michelle? Samantala inilapit din ni Teri - na sumikat sa panggagaya niya kay Superstar Nora Aunor - ang wish ng kaibigan niyang si Nelson Layug. Nagbubuhat ng krus tuwing Semana Santa si Nelson sa kanilang probinsya. Buong pamilya ni Nelson, na ulila na sa ama, ang nakaasa sa kaniya. Kaya naman ilang taon na niyang ginagampanan ang panata sa pag-asang mapapagaan nito ang kanilang mga problema. Pero sa paglipas ng taon tila mas bumibigat lang raw ang kaniyang pinapasan. Paano kaya mabibgyan ng "himala" ni Teri ang kaibigan? Tiyak maaantig kayo ng mga kwento ng Wish Ko Lang! ngayong Sabado, 4.30 p.m. sa GMA 7.