ADVERTISEMENT
Filtered By: Scitech
SciTech
GMA News videos, mapapanood na sa iPhone
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
May magandang balita ang GMA News sa mobile news consumers, dahil maaari na ring sundan ang mga maiinit na pangyayaring ipinalabas sa telebisyon gamit ang kanilang mga mobile devices. Bukod sa news articles, naglalaman na rin ng video clips mula sa iba’t ibang GMA News programs ang updated version ng GMA News mobile application for iOS na maaaring i-download nang libre sa Apple App Store.
Maaari ring piliin ng users ng GMA News Online v2.0 for iPhone, iPad and iPod kung aling mga seksyon sa website ang nais nilang lumabas sa phone o tablet nila. Bukod pa rito, pwede ring mag-display ng 10 hanggang 15 articles mula sa bawat seksyon na kanilang napili.
“We just want to be where news consumers are going. Our improved app combines two exploding trends – mobile and online video,” pahayag ni GMA News Online editor-in-chief and GMA Network VP for Multimedia Journalism Howie Severino.
Aniya, mga piling GMA News videos muna ang mapapanood sa GMA News mobile app, ngunit kalaunan ay madaragdagan pa ang mga ito.
Gawa ng New Media, Inc., ang updated app na ito ay naglalaman ng links papunta sa YouScoop app sa iTunes, gayon din sa GMA News mobile site, Twitter profile, at Facebook page. Mas pinasimple na rin ang pag-share ng articles di lamang sa Facebook, pati na rin sa email at Twitter.
Dagdag pa rito, mas napapadali ang pagbabasa ng mga istorya at paglipat sa ibang seksyon dahil sa “paper-like scrolling” feature nito. May opsyon din na basahin ang articles sa mismong GMA News Online mobile site. — TJD, GMA News
More Videos
Most Popular