PANAWAGAN: Leo Gagalera a.k.a Teteng
Nananawagan po kami sa mga kamag-anak ni Leo Gagalera a.k.a Teteng o Leo Magalera a.k.a Teteng, 50 years old.
Siya ay dinala sa Philippine General Hospital Emergency Room noong Marso 1, 2019, ng isang barangay Tanod ng Barangay 670 Zone 72 noong nasabing araw. Ang pasyente ay nabundol ng isang truck. Siya ay nagtamo ng mga sugat sa mukha.
Ang pasyente ay sinasabing may kapatid na si Charito Gagalera na nakatira sa Bataan pero hindi maibigay ang kumpletong address ng kanyang kapatid.
Maaaring makipag-ugnayan po sa Philippine General Hospital Medical Social Service sa numerong 554-8400 loc. 2062.
__________
Kung may nawawala kayong kamag-anak na nais ninyong ipanawagan, makipag-ugnayan lamang sa Sumbungan ng Bayan. Maaari ninyo silang tawagan sa (02) 333 7161 o kaya naman ay sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na Sumbungan ng Bayan.