Local celebrities mourn Michael Jackson’s death
Naging emosyunal ang host/actor na si Jojo Alejar nang makapanayam tungkol sa pagkamatay ng kanyang idolo na si Michael Jackson. Malaki umano ang naitulong ng kinikilalang King of Pop ng mundo sa pagkakaroon niya ng puwang sa showbiz. Bago naging artista at mapabilang sa mga mainstay ng dating sikat na youth oriented show na Thatâs Entertainment ni German âKuya Germs" Moreno, naging miyembro muna si Jojo ng dance group na âThe Tigers." Ngunit mas nakilala si Jojo sa kanyang mga galaw sa pagsayaw na katulad ng ginagawa ni Micheal Jackson noong dekada 80âs. âSa pagsasayaw, sa pagkanta, the way I wrote my songs before was more or less pina-pattern ko how he did, I try to mimicâ¦exceptional na it canât be replicated, not in next few years. I love you my men," emosyonal na pahayag ni Jojo sa panayam ni GMA News entertainment reporter Nelson Canlas. Idinagdag ni Jojo na kinalimutan niya ang pagiging celebrity nang mag-concert sa Pilipinas si Michael Jackson noong 1996. Katulad umano ng karaniwang fans, nagtiyaga ang aktor na maglakad ng malayo makita lang ng personal ang King of Pop. âYou know I had to walk mga 2 kilometers kasi ang paradahan natin noon sa may Bacooor (Cavite). Ang layo ng nilakad ko, kung alam ko langâ¦nagsapatos pa âko yung mga sapatos na Michel Jackson nakamedyas pa ko na puti," kwento ni Jojo sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Nanghihinayang naman si Joey Marquez nang tanggihan niya ang ibinibigay na sumblero sa kanya ni Michael noong magkaharap sila sa Paranaque 13-taon na ang nakararaan. âIs there anything I can give to you for remembrance," pag-alaala ni Joey nang tanungin umano siya ng King of Pop. ââ¦tinanggal nâya yung sumblero nâya sinuot nya saâken, sabi ko, âno no thank you its okey you make me⦠probably you will use it its okey." Ngayong pumanaw na si Michael, ngayon umano naisip ni Joey na hindi niya dapat tinanggihan ang sumblerong ibinibigay ng walang katulad na King of Pop. - Fidel Jimenez, GMANews.TV