Filtered By: Showbiz
Showbiz

Joey De Leon introduced his ‘mistress’ in an exhibit


Pagkaraan ng 24-taon, nagsagawa muli ang actor/host na si Joey de Leon ng kanyang art exhibit kung saan inihayag ng komedyante na ang pagguhit ay itinuturing niyang “mistress." “Siyempre TV ako, ang tawag ko nga noong araw, yung television misis ko, yung art other woman, mistress ko," kuwento ni Joey kay entertainment reporter Nelson Canlas. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing isinagawa ang art exhibit ni Joey kasama ang artist na si Igan Libayan sa SM Mega Mall. Dinaluhan ito ng ilang sikat na personalidad tulad nina Sen Manny Villar at Kapuso star Dingdong Dantes. Ayon sa ulat, kitang-kita sa mga obra ng host ng number one noontime show na Eat Bulaga ang pagiging komedyante nito. Tuwang-tuwa rin ang pamilya ng aktor sa kanyang exhibit. “It’s been 24 years since yung last exhibit nya. Siya kasi ‘pag napansin mo ‘pag nag-grow siya as an artist iba yung stroke n’ya when he was starting, iba yung ngayon may lalim," sambit ni Eileen Macapagal, kabiyak ni Joey. Hindi rin maituturing pangkaraniwan ang mga obra ni Joey dahil nakabaon sa mga painting ang ilang koleksyon niya ng mga casino chips. Kaya naman lalong humanga ang mga taong nakakita sa mga obra ng aktor. “In every artist he really gives a piece of him, kumbaga yung sarili nya, yung inspirasyon niya kitang-kita sa gawa niya," ayon kay Dingdong. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Tags: joeydeleon
LOADING CONTENT