Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sen Bong Revilla shoots 'Panday' in Ilocos Norte


Naging sentimental si Senador Ramon “Bong" Revilla nang mag-shooting ang cast ng “Panday" sa sand dunes ng Ilocos Norte kung saan nag-shooting din noon ang orihinal na “Panday" na si Fernando Poe Jr. “Dito sa sand dunes, dito talaga nag-shooting noon si FPJ kapag may fight (scene) siya with the ninjas ganun…so yung makakalaban niya (bagong 'Panday'), libu-libong ninjas (pero) yung present look, ibang klaseng look ng ninja," kwento ni Sen Revilla kay entertainment reporter Audrey Carampel. Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing kinunan ni Sen Bong ang ilang malalaking eksena sa “Panday" sa sand dunes habang malayang nanonood ang mga residente sa lugar. Kasama sa Ilocos Norte ni Sen Bong, gaganap na bagong “Panday," ang mga Kapuso stars na sina Geoff Eigenman, Rhian Ramos at child star na si Buboy Villar. “Talaga namang mababait ang mga tao sa Ilocos, they are very supportive. Itong ‘Panday’ natin na ‘to, ito yung parang prequel sisimulan natin kung papaano, kung saan nanggaling si Lizardo," patungkol ni Sen Bong sa mahigpit na kalaban ni ‘Panday’ sa pelikula. Ang “Panday" ang entry ng GMA Films at Imus Production sa Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre. Tiniyak ni Sen Bong na malaki ang magiging kaibahan ng bagong “Panday" dahil na rin sa mga makabagong teknolohiya sa paggawa ng pelikula ngayon. “Iba na yung look ng pelikula dahil sa technology natin kasi high-tech na tayo. Yung casting natin makikita mo malalaking artista ang kasama natin at magagaling," ayon sa actor turned politician. - Fidel Jimenez, GMANews.TV