ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Thousands flock StarStruck V auditions


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinagsa ng mga kabataan na nangangarap na sumunod sa yapak nina Mark Herras, Jennylyn Mercado, at Katrina Halili ang ginawang audition sa GMA Network nitong Linggo para sa reality artista search na StarStruck V. Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas nitong Lunes, sinabi nito na halos hindi mahulugan ng karayom ang GMA Network Drive sa dami ng mga nagpunta upang subukin ang kanilang kapalaran bilang susunod na iidolohin. Ilan sa mga nag-audition ay nanggaling pa sa mga lalawigan. Habang ang iba naman ay may bitbit na instrumento katulad ng gitara para sa ipakikita nilang talento. Ngunit bukod sa pagkanta, may nagpakita rin ng talento sa pagsayaw, pag-arte at maging sa pagbabalita. Ilan sa mga nag-audition ay nagsabing may kahawig na silang mga artista.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang dating StarStruck Avenger na si Sheena Halili, magkahalong kaba at saya umano ang nararamdaman kaugnay sa magiging susunod na batch ng StarStruck artists. “Siyempre kahit papaano may konting…andyan na naman dadami na naman kami. Pero masaya ako kasi madadagan ang talent ng GMA, magkakaroon na naman tayo ng bagong talent at magkakaroon uli ng mga tao (o) artista na magpapasaya sa mga viewers," pahayag ng aktres sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras. Bukod sa audition na ginawa sa GMA Network Drive na tatagal hanggang sa Setyembre 4, magkakaroon din ng audition ng StarStuck V sa CSI Dagupan (Sept 5-6), SM Pampanga (Spet 5-6) at SM Cebu (Sept 5-6). Ang mga mag-a-audition ay kailangang magdala ng birth certificate (copy and certified true copy), pictures na isang close up at isang whole body, at sa mga 18-years-old below, dapat magdala ng parental consent at valid ID ng inyong mga magulang. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Tags: starstruck