ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino in-charge of Sen Noynoy’s ‘make-over’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sasagutin daw ang television host na si Kris Aquino-Yap ang gastos sa kasal ng kanyang kuya na si Sen Benigno “Noynoy" Aquino III. At kapag tumakbo itong presidente, ang aktres na rin daw ang bahala sa porma ng kanyang kuya. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ni entertainment reporter Lhar Santiago, na sa limang anak nina dating Pangulong Cory Aquino at dating Sen Benigno “Ninoy" Aquino Jr., si Kris ang pinakamahilig sa fashion. Kaya naman daw nagpresinta si Kris sa kanilang nag-iisang kapatid na lalaki na si Sen Noynoy na siyang mamahala sa gagawing "make-over" sa porma ng mambabatas bilang paghahanda sakaling tumakbo itong presidente sa 2010 elections. Pinasukatan na raw ni Kris ng mga damit at pantalon ang kanyang Kuya Noynoy sa mga kilalang fashion designer na sina Paul Cabral at JC Buendia. “Lahat ng shirt n’ya kasi galing, ako ang nagpatahe. Lahat ng black kasi dati pangit yung fit, so sinabi ko, pinasukatan ko siya ng maayos…yung shoes mayroon akong mga shoes. Tapos yung maong mayroon din tapos ipinasoli n’ya ‘yong maong kasi masyado raw bagets yung fit, sabi nya ‘wag daw ganung kasikip," kwento ni Kris.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pati sa salamin sa mata na ginagamit ni Sen Noynoy ay pinakialaman din ni Kris. Inamin din ng TV host/actress na pati ang buhok ng kapatid ay nais din niyang ipaayos para kumapal. Ngunit tumanggi raw ang kanyang kuya sa kabila ng kanyang pangungulit. Hindi lang daw sa pagtakbong presidente ni Sen Noynoy all out si Kris, maging sa love life ay handa rin ang aktres na sumuporta at gumatos. “Kung saan siya magiging talagang maligaya, 100 percent ang support ko, pati buong wedding ako pa ang magbabayad," ayon kay Kris. Napapabalitang ang 28-anyos na konsehala ng Valenzuela City na si Shalani "Lani" Soleda ang kasintahan ngayon ni Sen Noynoy. Dati na ring naugnay ang senador kina Korina Sanchez at Bernadette Sembrano. Ngayon pa lang, na-touch na umano ang magkakapatid na Aquino sa mga kaibigan sa showbiz na nagpasabi ng kanilang suporta kay Noynoy kapag nagdesisyon itong tumakbong presidente sa 2010 elections. Kabilang si Kris sa mga dumalo sa birthday ng producer na si Wilson Cheng. Nandoon din ang mga boxing champions na sina Manny Pacquiao, at Brian Villoria, Vice President Noli de Castro at GMA Network Executive, Vice President Gilberto Duavit Jr. – Fidel Jimenez, GMANews.TV