Pinoy indie film Engkwentro wins Venice filmfest award
Nakabalik na sa bansa ang aktor na si Felix Roco at iba pang kasama sa âindieâ film na Engkwentro na nagwagi ng parangal sa katatapos na 66th Venice film festival. Sa naging panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, masayang ikinuwento ni Felix ang mga karanasan nito sa pagdalo sa naturang film fest, kasama na ang paglakad niya sa red carpet ng prestihiyosong patimpalak sa Italy. Ito ang unang international film fest ni Felix at mapalad siyang mapasama sa Engkwentro, ang pelikulang ginawa ng batang direktor na si Pepe Diokno. âMarami po kaming pinagdaanang paghihirap at its all worth it na nagawa at nanalo kami," pahayag ni Felix sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Naiuwi ng Engkwentro ang dalawang pangunahing award â ang best debut film sa Orizzonti (New Horizons) at âLuigi De Laurentis" o Lion of the Future. Ayon pa kay Felix, hindi siya makapaniwala na makikita sa nasabing festival ang mga hinahangang international director gaya ni Ang Lee at aktor na si Sylvester Stallone. âDati napapanood ko lang yung sa TV sina Brad Pitt were walking there, the same strip na nilakad nina Brad Pit nilakad din namin. Grabe iba talaga yung feeling âpag nandoon ka," kwento ng aktor. Sa nakuhang pagkilala ng Engkwentro sa Venice film festival, umaasa ang grupo ni Felix na magiging daan ito upang lubusang tangkilikin ng mga Pilipino ang mga pelikulang gawa ng mga Pinoy. - Fidel Jimenez, GMANews.TV