Iza Calzado talks about reported rift with Sunshine Dizon
Excited na raw si Iza Calzado sa pagpapalabas sa Pilipinas ng kanyang Hollywood movie na The Echo. Kasabay nito, nilinaw din niya ang umanoây iringan nila ng kapwa Kapuso star na si Sunshine Dizon. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na isang babae na mataas ang pangarap at may kakaibang ugali ang gagampanan ni Iza sa kanyang bagong project na Kaya Kong Abutin ang Langit. Ang afternoon soap ni Iza ang magiging kaback-to-back ng bago ring project ni Sunshine na Tinik sa Dibdib. Kaya asahan na dalawang matinding kuwento ang bagong aabangan ng mga manood sa Dramarama sa hapon ng GMA 7. âGood material back-to-backâ¦ang maganda we can work together as a team and make the afternoon slot very strong for GMA," pahayag ni Iza sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Lunes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Tulad ni Sunshine, itinanggi ni Iza na may gap sila. Katunayan, handa pa nga raw siyang gumawa ng project kasama uli si Shine kagaya ng ginawa nila noon sa All About Eve. âI think this business is too small for us not to get a chance to work together. But I think we have to make it brief because its one project after another," paliwanag niya. Masaya raw ang dalaga sa kanyang propesyunal at personal na buhay. Bukod sa kanyang bagong pag-ibig, masaya si Iza dahil ipalalabas na sa Pilipinas ang Hollywood remake ng Pinoy horror film na âThe Echo." Minsan pa lang niyang isinama sa event ang kanyang non-showbiz boyfriend at sadya raw mahiyain ang kanyang nobyo kaya ayaw rin nitong sumama sa kanyang mga lakad. - Fidel Jimenez, GMANews.TV