ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Singer Kyla's wedding with cager-boyfriend in the offing?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Abala ngayon si Kyla sa mga projects na makatutulong sa mga naging biktima ng nagdaang bagyo. Natutuwa naman daw ang magandang singer dahil suportado siya ng kanyang boyfriend, ang basketball player na si Rich Alvarez. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na kabilang sa mga proyekto ni Kyla ay ang “Bagong Himig" album kung saan ang bahagi ng kikitain ay gagamitin para tulungan ang mga pasyente ng nakamamatay na leptospirosis. Ang leptospirosis ay nakukuha sa pagkakababad ng pasyente sa baha. Ang mikrobyo nito ay mula sa ihi ng daga at mga hayop na humahalo sa tubig. “Gustong-gusto ko na nakaka-participate sa mga ganitong mga project…pagka ganito talaga hindi ko na iniisip kung… alam mo yun basta join na lang ako," pahayag ni Kyla sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Sinabi ni Kyla na may mga kamag-anak din siya na naging biktima ng kalamidad. Kabilang dito ang kanyang lola na residente sa Cainta, Rizal na kabilang sa mga lugar na matinding nalubog sa baha dulot ng bagyong Ondoy. Dahil dito, gagawa rin si Kyla ng mga show na ang kikitain ay ibibigay niya sa mga kamag-anak na sinalanta ng bagyo. Sa kabila ng kanyang pagiging abala, inamin ng RnB princess na napag-uusapan na rin nila ng kanyang boyfriend na si Rich ang paglagay sa tahimik. “Actually pinag-uusapan natin yung mga ganung bagay pero it’s really up to the guy kung…I like to think dapat sila na yung tanungin," ayon kay Kyla. Inamin din ng dalaga na kinikilig siya kapag naiisip ang kanyang dream wedding. “Ako traditional church wedding, gusto ko lang kasi na makapag-suot ng magandang white gown. Tapos gusto ko pretting-pretty ako, tapos hinihintay ako ng groom ko sa dulo ng isle," kuwento ni Kyla. Pero nilinaw ng dalaga na hindi pa talaga sila magpapakasal ni Rich. "Wala pa kong 'bling-bling,'" patungkol ni Kyla sa engagement ring. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Tags: kyla, richalvarez